Feeds:
Posts
Comments

Panimula

Katawan

Kabuuan, Konklusyon at Rekomendasyon

Bibliograpiya

Tanaw – Isang Tula

Tanaw

1
Malamig ang haplos ng hangin sa silong ng Acacia;
ang mga dahon nito’y bumubuo ng isang kaulapang humaharang
sa pagtalsik ng liwanag na ibinubuga ng tanghaling araw.
Animo’y pinahiran ng langis ang mga kumikisap na berdeng dahon;
sa ilang siwang ng mga ito’y nakaulos ang mga sibat na sinag
na nagpapahapdi sa aking balat kapag nadadampian.
Sa sahig ng puno’y nakalatag ang mga tuyong dahon
habang nakausli ang mga siit at damong umaahon mula sa pagkakaragan.
Nakaumbok ang bahagi ng lupang nakadantay sa mga binti ng Acacia,
samantalang nililingkis ang troso nito ng mga baging at galamay ng kadawagan.
Mula sa lilim ay makisig at matangkad na katawan ng Acacia
ang bumabayumbong sa bawat ikubli ng anino nito;
ang mga sanga’y tulad ng mga braso ng boksingero
na busog sa laman at bugbog sa ehersisyo;
ang bawat sanga’y parang kidlat na sa kauunat
ay tinubuan ng maraming kamay.
Kulot na buhok ng dilag ang anyo ng mga dahon;
waring inaalon ng hangin ang bawat hiblang nakalugay
paakyat sa bawat sulok ng langit.
Parang pakpak ang buong punong kahoy;
kagaya ng ibon na lumilimlim sa mga sisiw
na sa sandaling bulabugin ng hangin
ay ikakawag ang mga sanga nito’t
animo’y nais makalipad.

2
Masarap umupo sa sanga
ng punong Molave.
Dito’y tanaw at halos kasingtangkad ko
ang mga katabing punong kahoy.
Ang mga ito’y parang mga batang
nagwiwili sa parke;
nakaupo, nakawekwatro, nakadukwang
namimilipit
nag-iinat o nakatindig
na parang prinsesa.
Ang bawat puno’y kulupon
ng mga dahon;
nakasalalak sa kanila
ang iba’t ibang hugis;
hilaw o hinog na bunga
sapot ng langgam, pugad ng maya
at bulaklak.
Iba’t ibang kulay
Iba’t ibang puno ng buhay:
Narra, Molave, Acacia
Mahogany, Sampaloc, Mangga
Ipil-ipil, Niyog, Avocado, Bayabas
o anomang punong may dagta.
Parang turumpo
ang hangin habang umuumpog
sa bawat punong kahoy;
parang tubig sa batis
na lumiligwak sa aking mukha
ang simoy nito.

3
Abot-tanaw ko ang gubat
mula sa dibdib ng burol;
ang mga puno’y
parang kawan ng mga kambing
na nanginginain sa parang.
Nakapukol sa lupa
sa iisang direksyon
ang kanilang anino;
walang tiyak na ayos
ang kanilang hanay
tulad ng mga kambing
na nanginginain sa parang.
Masinsin ang ihip
ng hangin sa burol
subalit hindi kumakawag
ang mga punong kahoy.

4
Higit na malawak
ang tanawin
mula sa tuktok ng bundok;
tanaw ko ang gubat
na animo’y pitak
ng mga kabute
at berdeng bubog.
Matingkad
ang sikat ng araw
at ang buong gubat
ay hindi makagawa ng lilim.
Humahampas
sa aking mukha
ang hangin
subalit ang gubat
ay hindi natitinag.

5
Sakay ako
ng eroplano
at sa munting
bintanang
salamin nito’y
nasisilip ko
ang mundo;
sa pagitan
ng mga ulap
ay aking
nababanaag
ang lupa at dagat.
Animo’y
mantsa
sa damit
ang kagubatan.

Silabus  I.                           KOWD NG KURSO        :      FILI 111                  PAMAGAT NG KURSO  :      Panitikang FilipinoBILANG NG KURSO      :      Tatlo (3)                        PREREKWISIT              :       Fili 101 (Sining ng Komunikasyon) II.                  DESKRIPSYON NG KURSO:Ang mga tradisyon ng pagpapamana ng panitikang pambansa: pasalindila, pasalinsulat, at pasalintroniko ang isasaalang-alang sa pag-aaral.  Mapanuri ang pag-aaral kaya ang ilang batayang teoryang pampanitikan ay isasaalang-alang din. Kaugnay nito, aalamin ang kaligirang pangkasaysayan ng bawat genre:  Sanaysay, Tula, Maikling Kuwento, Novela,  at Dula mula sa katutubo hanggang sa kaanyuang kontemporaryo.  Pagtatangahal ng mga akdang pampanitikan upang  masukat ang kakayahan sa pag-arte.   III.                LAYUNIN:A.      Kritikal na makapagsuri ng mga akdang pampanitikan sa iba’t ibang tradisyon at genre.B.      Makapagpahalaga sa nilalaman at kaanyuan ng iba’t ibang akdang pampanitikan batay sa estetika at pangkalagahang fangksyon. Ito ay pokus sa La salyanong valyung pananampalataya, sigasig, at pampamayanang servisyo. C.      Makapanaliksik at makatalakay ng mga batayang pangkasaysayan, pampanunuring teorya, at pangkaunlarang kaligiran ng iba’t ibang genre ng Panitikang Filipino.  IV.                MGA NILALAMAN:

Pamprelim – 18 oras

A.      Kaligiran ng PanitikanB.      Mga Teoryang Panliteratura                                                                                (3 Oras)C.      2 masaklaw na uri ng panitikan: Patula at Patuluyan                                             (3 Oras)1.       Tula a.       Kaligiran, kahulugan, kahalagahan,urib.       Mga Katutubong Awit at Tula                                                      (3 Oras)i.                     Kantahing-Bayani.i  Nagsasalaysay -          Balada:  Si Nanay,Si Tatay-          Epiko:     Handiong                                                                  i.ii Di-Gaanong Nagsasalaysay                                                                    -  Kalusan, Kumintang, Kundiman, Kutang-                                                                             kutang, Dalit, Diona, Ditso, Dung-aw,                                                                              Oyayi, Umbay)c.       Panugmaang-Bayan                                                                   (3 Oras)i.                     Mga Tulang Pambata ii.                   Mga Tulang Matatalinghaga iii.                  Mga Ganap na Tula  d.       Mga Tula ng Pananakop ng kastila                                              (3 Oras)i.                     Kastilai.ii   Mga Ladino-          Salamat Nang Ualang Hoyang ni: Pedro Suarez Osorio-          Ybong Camunti sa Pugad ni: Felipe de Jesus       ii.          Propagandista at Revolusyunaryo-          Isang Tula sa Bayan ni: Marcelo H. del Pilar-          Katapusang Hibik ng Pilipinas ni: Andres Bonifacioii.                   Amerikano-          Bayan ko ni:Jose Corazon de Jesus-          Kung Tuyo na Ang Luha Mo Aking Bayan ni:Amado V. Hernandez         iii.                  Hapon                                                                     (3 Oras)                                                      -          Tren ni: Manuel Principe Bautista-          Alay ni: Anonimus iv.                  Kontemporaryo-          Regla Sa Buwan ng Hunyo ni:Ruth E. Mabanglo-          Practicum ni:Rustico Fernandez, Jr. 2.       Sanaysay  a.       Kaligiran, kahulugan, kahalagahanb.       Ang Ningning at ang Liwanag Ni: Emilio Jacinto             Pangmidterm – 18 oras 3.       Maikling Kuwentoa.       Kaligiran, kahulugan, kahalagahan, urib.       Kuwentong-Bayan - Alamat, Mito, Pabula, Parabula,                                                (3 Oras)Kababalaghan, Katatawanan, Palaisipan                          c.       Kuwentong-Limbag                                                                     (12  Oras)i.                     Walang Panginoon ni:Deogracias A. Rosarioii.                   Suyuan sa Tubigan Ni: Macario Pinedaiii.                  Naiibang Yungib ni Brigido Alba ni:Tiburcio Baguio sa salin ni Alili M. Bolasoiv.                  Usok ng Mapupusok na Araw ni:Ruth Elynia S. Mabanglov.                    Ugat sa Dugo ni:Joey A. Arrogante 4.       Novela                                                                                                (3 Oras) -          Ano Ang Laman ng Lupa? Ni:Rodie Marte Metin*  Kalakip nito ang listahan ng mga Pamagat at May-akda ng novela na maaaring pagpilian ng bawat estudyante para sa kanilang Homereading at Pagsusuri bilang individwal na asaynment at prajek.            Pangfaynal – 18 oras 5.       Dulaa.       Kaligiran, kahulugan, kahalagahan, urib.       Katutubong Dula  -Senakulo                                                                                  (3 Oras) c.       Mga Akda:                                                                                (15 Oras)-Pakisindi Mo ‘Ko Ng Isa ni: Joey A. Arrogante V.                  Mga Mungkahing Istratehiya:A.      Pananaliksik ng mga makabagong panitikan at teoryang pampanitikan sa internet.B.      Emersyong Pangmusika sa mga kantahing-bayanC.      Pagsasaling-wika ng mga rehiyonal na akdaD.      Pagsasapopular ng mga seleksyon1.       Pagsasapopular na himig ng mga seleksyon2.       Pagsasamima/Pasasa-RAP3.       Pagsasalin ng klasikong dayalogo sa popular na wika ng mga kabataanE.      Sabayang PagbigkasF.      Pagsasamonologo ng isang tula, isang eksena ng isang maikling kuwentong o isang kabanata ng isang novela.G.     Dugtungang pagkukuwento o pagbibigay-wakas sa mga kuwentong may bukas na wakas. H.      Panunuring pampelikula o dulang pantanghalanI.         Pananaliksik ng mga isyung pampanitikanJ.       Pangmaramihang intelehensyang Dulog (Mutiple Intellegence Approach)K.      Simulasyon ng mga sinaunang dulaL.       Pagsasainternet ng mga malikhaing-sulat at pananaliksik.M.     Pag-aasayn ng mga novelang babasahin para sa pagsusuriN.      CharadeO.     Paggamit ng graphic organizerP.      PagsasadulaQ.     Pagbuo ng Iskrip para sa madulang pagkukwentoR.      Pagbuo ng mga tanong ng mga mag-aaral sa novelang binasaS.      Pagsagot sa mga sanayan sa aklatT.       Panonood ng video hinggil sa Panitikang PilipinoU.      Madulang pagkukwentoV.      Panonood ng Stage Play      VI.                Pangangailangan ng Kurso:A.      Sa oras at limit na pagpasok sa klaseB.      Aktivong partisipasyon sa anumang talakayan at iba pang gawaing pangklaseC.      Pagpasa sa mga test (mga kwis at peryodik eksam)D.      Pagtupad sa mga proyekto at asaynment 1.       Prelim:  Pagbigkas ng isinulat na tula sa anyong Malaya (isahan o grupo)2.       Midterm:  Pagsusuri ng isang maikling kuwento o novela3.       Faynal:  Pagtatanghal ng isang madulang pagkukuwento (individwal na di bababa sa tatlo hanggang limang (3-5) boses ng tauhanE.      Panonood ng isang Dula/ Teatro  Kraytiria  para sa madulang pagkukuwento:1.  Kabuuang pagganap (Karakterisasyon ng tagapagsalaysay      kostyum, meykap, wig)                                                             40 %2.  Presentasyon/deliveri ( props, musika, mga paefek na      viswal at tunog likha o mekanikal)                                               25%3.  Orihinal na piyesa                                                                     10%  VII.               Sistema ng Paggagrado:  ABSOLUTE GRADING SYSTEMMga Kwis                                                    20%Aktivong Partisipasyon                                 20%Atendas                                                      10%Mga Proyekto/Asaynment                            20%Peryodik Eksam (Prelim, Midterm, Final)       30%                   Kabuuan:                                                   100%     VIII.            Mga Gagamiting Aklat:A.      Teksbuk:  Arrogante, Jose A. (2003). Panitikang Filipino:  Antolohiya Binagong Edisyon. Metro Manila, Philippines: National Book Store, Inc.B.      Mga Sanggunian:Almario, Virgilio S. (1984)  Balagtisismo Versus Modernisismo Panulaang Tagalog ng Ika-20 Siglo.  Quezon City, Metro Manila: Ateneo de Manila University Press.                                    Arrogante, Jose A. (2000).  Malikhaing Pagsulat.  Quezon City: Great Books Trading.                                    Cruz, Isagani at Soledad S. Reyes. (1984). Ang Ating Panitikan. Sta. Cruz, Manila:   Goodwil Trading Co., Inc.                                    Garcia, Carolina U., et al. (1993).  A Study of Literary Types and forms. Manila, Philippines: UST Printing Office.                                    Lumbrera, Bienvenido. (1997).  Philippine Literature (Revised Edition) A History and Anthology.  Pasig City: Anvil Publishing, Inc.                                    ________ (2001).  Filipinos Writing;  Philippine Literature  From The Regions.  Pasig City:  Navil Publishing, Inc.Peñalosa, Merilyn (2003). Modifikadong Mungkahing Gabay sa Pagsusuri ng Sanaysay: De La Salle University Dasmariñas.Ramos, V. et al. (1994)  Kritisismo:  Teorya at Paglalapat Sangguniang-Aklat sa Pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan sa Kolehiyo. Quezon City: Rex Book Store.                                    Reyes, Soledad. (1992).  Kritisismo.  Pasig City:  Anvil Publishing, Inc.Reyes, Soledad. (1997).  Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular Piling Sanaysay, 1976-1996.  Manila, Philippines: Ateneo de Manila University Press.                                   ________ (1982).  Nobelang Tagalog 1905-1975, Tradisyon at Modernismo.  Quezon City, Metro Manila:  Ateneo De Manila University Press.Torres-Yu, Rosario. (Patnugot).  (1980).  Panitikan at Kritisismo Bahagi I, II, III. Metro Manila, Philippines:  National Book Store, Inc.Mga nalathalang artikulo sa internet. Para sa iba pang konsern, mag-email lamang sa:fili123@mail.dasma.dlsu.edu.ph0Makipag-ugnayan sa inyong professor sa oras ng konsultasyong pang-akademiko             Nabatid:   DR. MYRNA A. TORRELIZA                                           DR. MARK EDWIN T. ASPRA                            Tseyr, Kagawaran ng Filipino at Panitikan                        Dekano, Kolehiyo ng Malayang Sining                              Listahan ng mga Novela na Matatagpuan pa ang mga Kopya sa mga Aklatan at Bukstor

  1. Henandez, Valeriano  P.        - Nena at Neneng (1905)
  2. Hernandez, Valeriano  P.       - Mag-inang Mahirap (1905)
  3. Santos, Lope K.                      - Banaag at Sikat (1906)
  4. Aguilar, Faustino                    - Pinaglahuan (1907)
  5. Laksamanan, Francisco         - Anino ng Kahapon (1907)
  6. Amado, Isamel                       - Bulakalak ng Pag-asa (1909)
  7. Regalado, Iñigo Ed.               - Madaling –Araw (1909)
  8. Regalado, Iñigo Ed.               - Sampagitang Walang Bango (1918)
  9. Sauco, Teofilo                       - Ang Magmamani (1924)

   10.   Aguilar, Faustino                   - Lihim ng Isang Pulo (1927)   11.   Francisco, Lazaro                 - Ama (1929)   12.   Galauran, Fausto                  - Ang Monghita (1929)   13.   Sempio, Antonio                   - Anak Dalita (1933)14.         De Los Angeles, Servando   -  Ang Huling Timawa (1936)15.         Galauran, Gausto                  -  Igorota sa Baguio (1945)16.         Cruz, Alberto Segismundo    - Ang Bungo (1946)17.         Cruz, Alberto Segismundo    - Halimuyak (1946)18.         Cruz, Alberto Segismundo    - Lakandula (1946)19.         Pineda, Macario                    - Ang Ginto sa Makiling (1947)20.         Pineda, Macario                    - Halina sa Ating Bukas (1947)21.         Francisco, Lazaro                 - Sugat ng Alaala (1949)22.         Fernandez, Angel                 - Ang Timawa (1953)23.         Francisco, Lazaro                 - Maganda Pa Ang Daigdig (1955)24.         Abadilla, Alejandro at Elpidio Kapulong                                                         - Pagkamulat Ni Magdalena (1958)   25.  Cruz, Andres Cristobal           - Ang Tundo Man May Langit din (1959)   26.  Hernandez, Amado V.            - Mga Ibong Mandaragit (1959)   27.  Francisco, Lazaro                   - Daluyong  (1962)   28.  Hernandez, Amado V.            - Luha ng Buwaya (1962)   29.  Reyes, Edgardo                      - Angkinin Mo Ako (1962)   30.  Abueg, Efren                          - Dugo Sa Kayumangging Lupa (1965)   31.  Sikat, Rogelio                         - Dugo Sa Bukang Liwayway (1965)   32.  Reyes, Edgardo                     - Sa Mga Kuko ng Liwanag (1967)   33.  Lingat, Rosario de Guzman   - Kung wala Na Ang Tag-araw (1970)   34.  Rosario, Nieves Baens del    - Erlinda ng Bataan (1970)   35.  Carunungan, Celso               - Satanas sa Lupa (1971)36.       Lingat, Rosario de Guzman  - Ano Ngayon, Ricky? (1971)37.       Arceo, Liwayway                   - Canal de la Reina (1972)38.       Mirasol, Dominador               - Ginto Ang Kaymanggingl Lupa (1975)39.       Agulto, Tomas F.                   - SA BA TRI Sa Masaganang Milenyo (2000)40.       Medina, Buenaventura S.      - Alaga (?)41.       Flores-Bautista, Paulina        - LOTUS (1990)42.       Jacob, Ave Perez                  - Sibol Sa Mga Guho (1992)43.       Landicho, Domingo G.          - Anak ng Lupa (1995)44.       Pascual, Benjamin P.            - Babaeng Misteryosa (1997)45.       Landicho, Domingo G.          - Bulaklak ng Maynila (1995)46.       Reyes, Roman                      - Pusong Walang Pag-ibig (1910)47.       Arceo, Liwayway A.              - Titser (1995)48.       Garcia, Fanny A.                  - Apartment 3-A Mariposa St. (1994)49.       Reyes, Edgardo M.               - Laro sa Baga (199 )50.       Miranda, Lourdes Leuterio, Clarita B. Flores at  Virginia Lizardo Cangco                                                    - Halaga ng Pag-ibig (1998)51.  Alabado, Ceres S.C.            - A S O G (1969)52.  Francisco, Lazaro                - Ilaw Sa Hilaga (1984)53.  Papa, Joey C.                       - Awit ng Paglaya (1999)54.  Arrogante, Joey A.                - Isang Haliging Asin (1984)55.  Arrogante, Joey A.                - Hangga’t Alat Ang Dagat (1989)56.       Ravelo, Mars (sa komiks) Lualhati Bautista (sa Prosa)                                                       - Tubog sa Ginto (1988) (1969)   57.  Galang, Zoilo M.                  - Anak ng Dalita (1921)   58.  Hernandez, Amado V.         - Bayang Malaya (19  ) Patula   59.  Santos, Lope K.                   - Ang Pangginggera (    ) Patula   60.  Bautista, Lualhati             - Isang Buong Laot at Kalahati ng Daigdig (1994)                   61.  Bautista, Lualhati                 - Sila at Ang Gabi (1994)   62.  Arceo, Liwayway A.             - Mga Bathalang Putik (1998)   63.  De Castro, Modesto            - Urbana at Feliza (1864) (1996)64.       Lucio, Miguel Bustamante  - Si Tandang Bacio Macunat (1883) (1996)       65.       Antonio, Teo T.                   - Piping Dilat (2000) Epiko (1st Prize)66.       Duque, Reynaldo A.            - Candon (2000) Epiko (1st Prize)67.       Nadera, Vim                        - Mujer Indigena (2000) Epiko (2nd Prize)68.       Custodio, Sergio R. Jr.       - T  A  R  I (2000)69.       Ricarte, Pedro L.                - Lupang Hinirang (2000) Epiko (2nd Prize)70.       Metin, Rodie Marte             - Ano Ang Laman Ng Lupa? (1983)71.       Bautista, Lualhati               - Dekada 7072.       Bautista, Lualhati               - Gapo73.       Bautista, Lualhati               - Charity Ward (1991)74.       Bautista, Lualhati               - Spirit of the Glass (199?)75.       Bautista, Lualhati               - Ang Babae sa Basag Na Salamin (1994)76.       Bautista, Lualhati                     - Araw ng mga Puso (1994)77.       Bautista, Lualhati               - Bata, Bata, Pano Ka Ginawa?78.       Pascual, Benjamin P.        - Lalaki sa Dilim79.       Perez, Tony                       - Bata Sinaksa Sinilid Sa Baul (1995)80.       Casabar                            - Silang Nagigising sa Madaling-Araw81.                                            - Ang Hanging Di Mamatay-Matay82.  Abueg, Efren                    - Ang Babae sa Panahon ng ?83.  Munsayac, Rey                - Ang Aso, Ang Pulgas, Ang Kolorum at Ang                                                    Bonsai  (2000)         

Syllabus

Asignatura: Panimulang Lingguwistika Code: Major 2
Guro: Dr. Elearnor Bongcawel-Perez Departamento:  Filipino
Blog: http://uzplingguwistika.wordpress.com Kolehiyo: College of Education and Liberal Arts
Unang Klase: Lunes, Miyerkules, Biyernes,8:00AM, AVR School Year: 2008-2009
Ikalawang Klase: Martes, Huwebes, at Sabado10:00AM, AVR Semestre: Unang Semestre

DISKRIPSIYON: Ang Paunang Lingguwistika ay isang asignatura na tumatalakay sa mga aspeto o elemento ng wikang Filipino. Pinag-aaralan sa asignaturang ito kung paano nabuo ang nasabing wika ayon sa kasaysayan, pagbabago, at kahalagahan nito sa pakikipagtalastasan na may kinalaman sa kultura, pamumuhay, at kaunlaran bilang isang malayang bansa.  Mga Mithiin:1. Magkaroon ng panimulang kaalaman sa mga iba’t ibang aspeto ng Lingguwistika saklaw ang kasalukuyang nagaganap na ebolusyon ng wika sanhi ng mga iba’t ibang prosesong morpolohiya at ang implikasyon nito sa pakikipagtalastasan.2. Maiabot sa kapwa mag-aaral at guro ang mga paksang di gaanong maunawaan sa pamamagitan ng blogging upang ito ay agad mabigyan ng pansin at kasagutan.3. Magamit ang natutunan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ibat ibang uri ng aplikasyon na naaayon sa paksa at direksiyon ng guro.4. Maipasa ang lahat ng mga pagsusuri sa bawat paksang naatasang pag-aralan upang sa kabuuan maituturing matagumpay na naipasa ang Panimulang Lingguwistika.  MGA PAKSA:

  • Dibisyon, especialidad, at mga napaloloob na subfields
  • Variation
  • Tatlong Katangian ng Wika
    • Kontekstual na Lingguwistika
    • Functional na Lingguwistika 
    • Diachronic na Lingguwistika 
  • Preskripsiyon at Diskripsiyon
  • Pinagkaibahan ng Pananalita sa Panunulat
  • Kasaysayan ng Lingguwistika

BATAYAN SA PAGBIBGAY NG MARKA

  • 30% Partisipasyon sa klase at sa blog page
  • 30% Aplikasyon
  • 30% Pagpasa sa mga pagsusulit
  • 10% Attendance 

REFERENCES 

  • Textbooks
  • Mga Gawaing Pang-akademya
  • Mga Gawaing Popular
  • Mga Libro 
  • Mga Electronic na Materyal 

 

Balangkas

I. Pahinang PangtituloII.  Mga NilalamanIII. Panimula

IV. Ang Katawan ng Pananaliksik (Maaring gumawa ng sariling balangkas sa bahaging ito na tumutugma sa mga katanungan o suliranin na nais na masagot ng inyong pananaliksik)

V. Konklusyon, Buod, at Rekomendasyon

VI. Mga Ginamit na Materyal (Naayon sa APA Style of Bibliographic entries. Sa katawan o presentasyon, analisis, at interpretasyon ng mga data, gamitin din ang APA style of Citation)

Maraming lahì ang nagdalá ng kaní-kaniláng salitâ sa Filipinas noóng unang panahón, ngunit ang mga wikang dinatnán nilá sa Filipinas ay taál na Filipino.Dati’y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon sa wave theory, ang mga ninunò ng lahing Filipino ay dumayo sa Filipinas nang iláng ulit o waves ng pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tuláy na lupà na nalantád dahil mas mababaw ang mga dagat noong panahón ng kalamigang pandaigdíg (Ice Age). Nanggaling daw silá sa Indonesia, Malaysia at ibá pang lugár. Libu-libong taón daw ang pagitan ng bawat panahón ng pandarayuhan. Diumanó’y itó raw ang sanhî kung bakit may mga Ita, Ifugáw at modernong Filipino sa Filipinas. Subalit ngayón ay hindî na tinátanggáp ang teoryang itó.

Ayon sa mga bagong pananaliksík sa larangan ng wikà (comparative linguistics, lexicostatistics), ang mga wikà ng ibá’t ibáng grupo sa Filipinas ay masyadong magkakahawig kayâ hindî máaaring may iláng libong taón ang pagitan ng kaní-kaniláng pagdatíng. Makikita rin sa mga bagong ebidensyá sa larangan ng arkeolohiya na tulúy-tulóy at hindî paulit-ulit ang nagíng pandarayuhan sa Filipinas.May relasyón sa bawat isá ang mga wikà sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ng mga wikang itó ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang Austronesian ay mga wikà mula sa mga pulô ng Southeast Asia hanggáng sa Easter Island na malapit sa South America.Malamáng na ang unang mga taong nagsasalitâ ng íisáng wikang Austronesian ay dumatíng sa Filipinas mula sa hilagà (north) limáng libong taón na ang nakalipas. Nagkahiwá-hiwaláy silá at nagsikalat sa buóng kapuluán. Dahil sa habà ng panahón na nagkahiwaláy silá, untí-untíng nagbago ang kanilang pagsasalitâ. Dumatíng ang panahón na ang mga grupong itó ay hindî na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin ay nagíng bago na ang mga wikà at pagsasalitâ ng ibá’t ibáng grupo. Ito ang mga wikang kilala natin sa Filipinas ngayón tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ibá.Ganitó rin ang nangyari sa ibáng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia at Indonesia. Nang simulán nilá ang pangangalakal sa mga pulô, nadalá rin nilá ang kaniláng mga bagong salitâ sa Filipinas – patí yaóng mga salitáng natutuhan nilá sa ibá pang mas malalayong bansá tulad ng India.

Mula noon hanggáng ngayón, ang mga Filipino, tulad ng lahát ng lahì sa daigdíg, ay nanghíhirám ng mga salitâ mulâ sa maraming dayuhang lahì. Masasabi nating patuloy na nagbabago ang mga wikà sa mundó dahil lahát tayo ay patuloy ang panghíhirám at paggamit ng mga bagong salitâ sa ating pangungusap.

Bagamá’t may mga wikang dayuhan na nagkaroón ng impluwensiyá sa paglagô ng mga wikang Filipino, ang Filipinas ay may sariling mga taál na wikà bago pa man itó nápuntahán ng mga dayuhan.

Hello world!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.